Tuesday, June 12, 2012

Malaya


Malaya nga ba ang mga Pilipino?

A. OO. Marahil ang Araw ng Kalayaan ay isang bahagi na lamang ng ating kasaysayan na minsang pinag-aralan natin sa subject na Sibika kaya hindi na labis ang ating pagpapahalaga sa kwentong gumuhit ng ating katauhan. Malaya naman talaga ang Pilipino, ngunit sadyang nalibing na lamang ang kahalagahan nito sa ala-ala.

B. HINDI. Dahil sadyang sa likod ng mga matatayog na bandilang nakawagayway sa mga expressway ay may isang lihim na katotohanan na kailanman hindi naman talaga nakalaya ang mga Pilipino sa kanilang mga mananakop. Ang Pilipinas ay patuloy pa ring nagpapasakop sa iba't ibang bagay at isyu sa kabila ng patuloy na paghayag at pagdiriwang ng kanyang kalayaan sa loob ng 114 na taon.

Ang aking sagot: Wala akong pinaniniwalaan. Dahil mismo ang utak ko ay hindi malaya. Okupado ng ibang personal na bagay ang aking pag-iisip kung kaya wala akong panahon mag-isip.
Ikaw? Saan ka naniniwala? Malaya ba ang iyong kaisipan para sagutin ang katanungang ito?

Maligayang Araw ng Kalayaan! Nawa'y maging malaya na rin ang ating mga kaisipan pagkat ito ang tanging makapagpapalaya ng ating bayan... nang lubusan.

No comments:

Post a Comment