Normal na sa mga Pilipino ang kumopya at gumawa ng sariling bersyong ng mga TV shows na sumikat sa ibang bansa. Kabilang na dito ang Pinoy Big Brother, Pinoy Biggest Loser, Survivor Philippines, X-Factor Philippines, Pilipinas Got Talent at kung anu-ano pa. Ngunit sa pagkakataong ito, matatawag na isang malaking karangalan sa Pilipinas pagkat ang longest-running noontime TV show sa bansa ay magkakaroon na ng sariling bersyon sa Indonesia. Ito ay ang Eat Bulaga Indonesia. In fairness, na-eatbulaga ako nang bongga nang malaman ko ang balitang ito ay ipapalabas na ngayong July 16.
Nagdesisyon ang staff ng EB Indonesia na ipalabas ang naturang TV show sa buwan ng Ramadan, pagkat ito ay sumasalamin sa halaga ng pagkakaisa at ng bawat tao. Kaya nais nilang ihatid ang Tatak Pinoy na ugaling bayanihan sa mga Indones.
Kasama sa ilang segments ng bagong palabas ay ang Bulagaan, Indonesian Genius (Pinoy Henyo) at and Juan for all, all for Juan Bayanihan.
Magkaroon kaya sila ng Little Miss Indonesia at Mr. Pogi? May version din kaya sila ng Sexbomb dancers, Tito, Vic and Joey at Wally and Jose?
Bongga!
ReplyDelete